Kristiyanong Katiwala (Christian Stewardship)

A Bible Study presented by Rev. Daniel Pondevida
during the LCP Stewardship Seminar on March 14-15, 2019 at the Lutheran Center, Sta. Mesa, Manila


Ang Kristiyanong Katiwala ay nagkakahulugan bilang isang malaya at masayang pagkilos ng isang anak ng Diyos o pamilya ng Diyos sa pangangasiwa ng lahat ng buhay at yaman ng buhay para sa layunin ng Diyos.

Ayon kay Carl Berner: Ang isang Katiwala ay tumanggap ng pansariling pananagutan galing sa Diyos para sa tapat na pangangasiwa ng buhay.

Hindi pinilit kundi pagmamahal ng tapat kay Kristo.

Ayon kay Helmut Thielicke: Ang isang Kristiyano ay hindi napailalim sa diktadoryang pag-aatas na nagsasabi “kailangan”  kundi sa isang malayang “maari’” at ang Diyos ay nangangako ng mayamang gantimpala.

Ang Panginoon ay nagtiwala na gagawa tayo ng kabutihan at tayo naman ay nagtiwala na bibigyan niya tayo ng lakas na mamuhay sa kabutihan.

“Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang taong maglalakbay. Kaya’t tinawag niya ang kanyang mga tauhan at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian.” Mateo 25:14

Ang isang katiwala ay binibigyan ng sariling kusa kung ano ang gagawin sa pinagkatiwala.

Pinagkatiwalaan siya na pangasiwaan ang tiwala ng Panginoon  na may talino, totoo, mapangahas at kata. Ang mga katangiang ito ay siyang nagbibigay ng dangal at dignidad sa ating katayuan bilang isang katiwala. Maari tayong mamili kung maging mabuti o hindi mabuting katiwala pero hindi tayo maaring mamili na hindi o maging isang katiwala.

 

Rev. Daniel Pondevida, Parish Pastor of Trinity Lutheran Church, Quezon City, South Luzon District.

Akin o sa Diyos?

Ang sanlibutan ay pag-aari ng Diyos!

Ang kaligtasan na pinaghirapan ni Jesus sa krus na namatay para sa lahat ng tao ay nagpapatunay na binabawi ng Diyos ang lahat ng nawala o ninakaw na kanyang pag-aari na talagang kanya at hindi kailanlaman ay pinamigay.

Awit 51:10 Isang pusong tapat sa aki’y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Ang Awit ay umaangkin na ang lahat ng kapangyarihan kahit pa man ang paglilinis ng puso ng tao ay kanya ng Diyos.

Isang katunayan na tayo ay hindi para sa sarili lamang kundi pag-aari ng Diyos.

Ang pananaw ng Diyos sa katiwala at tiwala ay nasasakop ang buong buhay ng bawat isa sa atin.  Sabi ni Luther sa kanyang paliwanag sa unang artikulo Apostle’s Creed: “Ginawa ako ng Diyos at ang lahat sa akin, ang aking katwiran at ang lahat ng aking pakiramdam…damit, sapatos, pagkain at inumin, bahay at tahanan, asawa at mga anak, bukirin, kahayupan at lahat ng biyaya”.  Ang totoo, ang lahat ay pag-aari ng Diyos.

 

Ilang bahagi ng ating yaman ang dapat ialay?

Ang Bagong Tipan ay walang sagot sa ganitong tanong.  Ang halaga ay napapasyahan sa pananampalataya, pag-ibig, pasasalamat at malasakit sa kaharian ng Diyos.

Ang Diyos ay nagbibigay laya kung magkano ang alay.  Habang lumalago ang ating pananampalataya lumalalago din ang ating alay.

 

Ang 10 porsiyento ba ay pinag-uutos?

Pinag-uutos ito sa Lumang Tipan.

 

Si T.A. Kantonen ay sumulat: “Naniniwala ako na ang mga nagta-tithe sa ating simbahan ay hindi mga Pariseo kundi mga taos-puso na gumagamit nitong makalumang kaugalian bilang tulong para sa matibay na pagpapahayag  ng pasasasalamat at katapatan sa Panginoon.”

 

Si Dr. Francis Pieper ay nagsabi:  “Dapat asahan na ang mga Kristiyano sa Bagong Tipan ay dugtungan ang iniwan ng mga mananampalataya sa Lumang Tipan.”

 

Para sa ibang tao, ang “tithe” ay isang mainam na paglilingkod at maraming nagta-tithe na nagsasabi na nakaranas sila ng mayamang pagpapala sa pag-aalay ng ikapu.

Ang kumukontra sa alay na ikapu dahil isa raw itong “legalistic” ay minumungkahi na magbigay ng 11% sa dahilan ng biyaya.

Sa usapin ng ikapu O tithing sinimulan ito Abraham (Gen.14-20); pinagpatuloy ni Jacob, (Gen.28;22); sinag-ayunan ni Moses (Lev.27:30); pinag-utos ni Malachi (Mal,3:10) pinag-utos muli ni Jesus (Mat. 23:23)

 

Bakit kaya ang simbahan ay laging nangangailangan ng pera?

1 Cor. 16:2 Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa ay maglaan ng bahagi ng kanyang kinikita at ipunin iyon upang hindi na kailangang mag-ambagan pa pagpunta ko riyan.

 

Ang panukala ng Diyos ay parehong maganda at payak.  Tinatawag tayo ng Diyos na ibalik sa kanya ang kanyang ibinigay sa atin.

Kung kokonti ang ibinigay ng Diyos kokonti din ang ating ibabalik. Kung malaki, malaki din ang ibalik.

Ang pagbibigay sa Diyos ay hindi nakasalalay kung ano yung palagi nating ginagawa o kung ano ang sumpong natin sa araw na iyon kundi sang-ayon kung ano ang iyong natatanggap.

Ang kaparaanan ng Diyos ay para mapunan ang pangangailangan para sa gawain ng Ebanghelyo.

Ang taong tapat sa simulain ng “ikapu” ay matapat din sa pagkilala sa kagandahang loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagtataas ng kanyang bahagi ayon sa pagtaas ng kaloob sa kanya.

Ang ating paraan para pondohan ang gawain ng Diyos ay kulang pero ang paraan ng Diyos ay sapat. “Magbigay kayo at kayo’y bibigyan din” Lukas 6:38

 

Ano ba ang mali sa pagsusugal?

Sa totoo, walang pag-uutos na nagsasabi” Huwag kang magsugal”.

Wala rin sa Salita ng Diyos sa bibliya ang tungkol sa sugal.  Kung kaya ano ang mali sa sugal?

Ang isang malaking problema sa sugal ay salat ito sa tiwala ng kaloob ng Diyos sa atin.

Sa Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin sa Matt. 25 ay nagtuturo na umaasa ang Diyos na gamitin natin ang pinagkatiwala na may pananagutan at ilagay sa pinakamahusay na pagkakataon kung saan lalago ito.

Ang ating pag-aari ay gamitin para sa kapakanan ng ating pamilya (2 Cor. 12:14); pagtulong sa kapwa (Eph. 4:28); at sa gawain ng Panginoon (1 Cor. 6:1-2).

Ang sugal ay umaasa sa suwerte para manalo. Hindi pinaghirapan.  Hindi natin maaring impluwensiyahan ang kalalabasan ng resulta.

Ang kumikita sa sugal ay yung mga nagpapatakbo nito at ang iilan na nanalo.

Pero para sa karamihan na nagsusugal mas marami ang talo kaysa panalo. Malinaw na ito ay salat sa tiwala ng ibinigay ng Diyos sa atin.

Ang mga panganib na maaring makuha sa sugal ay kasakiman, pag-iimbot, at higit sa lahat pagkalulong.

 

Ano ang dapat unahin?

Pagkatapos natin magbayag ng lahat ng bayarin, tubig, kuryente, tuition, etc. mapapansin natin na kokonti ang natira para sa gawain ng Panginoon.

Bakit nga ba huli tayo sa pagbibigay ng para sa gawain ng Panginoon pero hindi tayo huli sa pagbabayad ng ating mga bayarin?

Kung titingnan natin ang ating pamamahay, makikita natin ang napakaraming bagay na naipon sa mahabang panahon, TV, Ref, sofa, damit, laruan, etc.

Hindi kaya nakakahiya na hindi tayo nagkulang sa pagsustento sa ating pansariling pangangailangan at  wala tayong malasakit sa gawain ng Panginoon?  O talaga lang maramot tayo sa mga biyaya na kaloob sa atin ng Diyos?

Ang Diyos ang naglikha at nag-ingat sa atin.  Ang kanyang Anak ay namatay para sa atin.  Ang kanyang epsiritu ang nagbanal sa atin sa pamamagitan ng ating binyag.  Inari niya tayo at iningatan sa pananmapalataya sa pamamagitan ng kanyang Salita at Sakramento. Panginoon, tulungan mo ako na unahin ka bago ang lahat!

 

Ano ang “Pledge”?

Ang bibliya ay hindi nag-uutos ng “Pledge” Pero ang “Pledge” ay isang kaugalian ng maraming halimbawa sa Bibliya.

 

Si Jacob ay isang halimbawa na pagbibigay pangako sa Diyos:

Gen.28:22 ”Sasambahin kayo sa lugar na ito na pinagtayuan ko ng batong alaalang ito, at ibabalik ko sa inyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng ipinagkakaloob ninyo sa akin.”

 

Ang “Pledge” ay isang pangako na nakakatulong na pangalagaan ang ating mga pasya na ibalik ang bahagi ng biyaya na kaloob ng Diyos.

Nagpapaalala din ito sa atin na ang Diyos ay nasa ating buhay at maglalayo sa atin na manaig ang pagmamahal sa pera laban sa pagmamahal natin sa Diyos.

Maraming tao ang natatakot na mangako ng sukat na halaga dahil hindi nila alam kung biglang manghina ang ekonomiya, mawalan ng trabaho na maaring makaapekto sa takbo ng kanilang kinikita.

Kung tayo ay mangako, alalahanin natin na ang mabuting katiwala ay nangangako na ibalik sa Panginoon ang ayon sa kaloob ng Diyos sa kanya.

 

Bakit ang simbahan ay palaging nanghihingi ng pera?

Oo. Ang simbahan ay nanghihingi ng pera. Hindi tayo dapat mahiya kung naiintindihan natin kung bakit ang simbahan ay kailangang manghingi ng pera.

Ang isang negosyo o serbisyo, lahat ay nanghihingi ng pera kapalit sa kanilang ibinibigay. Ang biyaya ng Diyos ay libre.  Sa Roma 3:24, ganito ang sinasabi:

 

“Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.”

 

Noong pinadala ni Jesus ang kanyang mga disipulo para mangaral, magpagaling ng mga may sakit at magbangon ng mga patay, hindi niya sila pinahintulutan na manghingi ng bayad kapalit ng biyaya ng Diyos (Matt.10:8). Pero bakit ang simbahan ay naghihingi ng pera?

Ang kasagutan ay makikita noong binigyan ni Jesus ng tagubilin ang kanyang mga disipulo na huwag magdala ng ginto o pilak o kahit na anong baon.  Ang kanilang kailangan ay tutugunan ng mga tumanggap ng biyaya ng kaligtasan ng walang bayad.  

 

Sa inyong paglalakbay, huwag din kayong magbaon ng pagkain, bihisan, pampalit na sandalyas, o tungkod, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat na tumanggap ng mga bagay na kanyang ikabubuhay. (Matt.10:10)

 

Ang kaligtasan ng tao ay walang bayad.  Binayaran ito hindi ng ginto o pilak kundi ng banal at dakilang dugo ni Kristo sa kanyang pagdurusa at kamatayan sa krus.

 

Gawain ng simbahan na ipamahagi ang biyayang ito upang siya ay makagawa ng mga disipulo, makapagturo at makapagbinyag.

Habang ang kaligtasan ay walang bayad, ang mga manggagawa ay nangangailangan ng pangangalaga, bahay simbahan, mga kagamitan ng simbahan at tulong sa mga nangangailangan.

 

Bigay:

Matapos hamunin ni San Pablo ang mga taga Corinto na “Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon” (1 Cor.15:58) hinikayat niya sila na magbigay para sa mahalagang layunin.

 

1 Cor. 15 Mga kapatid, ngayo’y ipinapaalala ko sa inyo ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang Magandang Balitang inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. Naliligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; maliban na lamang kung walang kabuluhan ang inyong pagsampalataya.

 

Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Cristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan.

 

Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Cristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan.

 

Bakit si San Pablo ay nangongolekta ng tulong:

  1. Merong umiiral na taggutom sa Jerusalem
  2. At Gawain ng ebanghelyo.

Ang mga taga-Corinto sa una ay nagbigay ng kanilang pangako pero kalaunan ay  hindi sila naging tapat kaya sumulat si San Pablo sa kanila para   himukin silang muli na tuparin ang kanilang pangako.

8 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang ipinakitang kagandahang-loob ng Diyos sa mga iglesya sa Macedonia. Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito’y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukás ang palad sa pagbibigay. Sila’y kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito sapagkat mahigpit nilang ipinakiusap sa amin na sila’y bigyan ng pagkakataong makatulong sa mga kapatid na nangangailangan.

Pinakikita ni San Pablo ang halimbawa ng mga taga-Macedonia  para sa mga taga-Corinto ang kanilang pagiging matulungin.  Ano ba ang naging motibo ng mga taga-Mecedonia?

 

9 Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha.

 

Ang Kristiyanong pagbibigay ay nagsisimula sa kagandahang-loob ng Diyos.

 

Ang kagandahang-loob ay tumutukoy sa libreng handog na ibinigay sa atin sa pamamagitan ni Kristo.

 

Kung maintindihan natin kung ano ang nararapat sa atin at tumanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, tiyak na masasabi natin “Salamat Panginoon” sa pagbigay mo ng sakripisyo para sa amin.

Sa Lukas 7 makikita natin ang kaibahan ng nasa ilalim ng kautusan at nasa ilalim ng Ebanghelyo.

 

Sa kautusan: “Nagbigay ako dahil pinag-uutos ng Diyos.”  Ang ganitong pananaw ay likas sa maraming relihiyon katulad ng Islam.  Ginagawa ang pagbigay para maging katanggap-tanggap sa Diyos.

 

Sa Ebanghelyo: Tumanggap tayo ng biyaya ng Diyos at tayo ay nagpapasalamat.

 

Sa Kautusan: “Ang aking pagbibigay ay isang obligasyon na nakakabigat.”

 

Sa Ebanghelyo: Ang aking pagbibigay ay isang pribilihiyo na nakasiya sa akin.

 

Sa Kautusan: Nagbibigay ako sa pinakamaliit kong makayanan para hindi masyadong nakakabigat sa akin.

 

Sa Ebanghelyo: Nagbibigay ako sa pinakamaki na aking makayanan para maihayag ko ang aking lubos na pasasalamat sa Diyos.

 

1 Cor. 9:7 Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan.

 

Marami ang nagsasabi na mali na ipaalala sa mga Kristiyano ang kanilang pagbibigay. Si San Pablo ay nagpaalaala tungkol sa pagbibigay sa 1 Cor. 16.

 

Mas mabuti na huwag tayong magbigay kung mabigat ito sa ating kalooban.  Ang nais ni San Pablo na magbigay tayo na may tamang kalooban.

 

2 Cor. 8:5 at higit pa sa inaasahan namin. Ibinigay nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos ay sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.

 

Ang punto ng mga salitang ito ay nagbibigay tayo para sa gawain the Panginoon dahil una sa lahat ibinigay natin ang ating mg sarili o kinikilala natin na ang Diyos ang talagang nagmamay-ari ng ating buhay.  Ang pagbibigay ay pagpapahayag lamang ng ating pagkakakilanlan bilang mga Katiwala ng Diyos.

 

Maraming tao ang naniniwala na ang kanilang pag-aari ay kanila at gagamitin lamang para sa kanilang kapakanan.

 

Ang Diyos ay nagsasabi na siya ang nagmamay-ari ng lahat (Awit 24:1). Tayo ay mga katiwala lamang at binigyan ng rsponsibilidad na pangasiwaan ang yaman ng Diyos para sa kanyang layunin 1 Cor. 6:19b-20).  Darating ang araw na sasagutin natin ang lahat ng pagtitiwala (Matt.25).

 

Magkano ba ang dapat kong ibigay at magkano ako dapat kong itira para sa akin?  Karapat-dapat lamang na magtira tayo ng sapat para sa ating pangangailangan.  Pero hindi tayo pinapayagan na mamuhay ng maluho habang pinapabayaan natin ang gawain ng Panginoon.

 

Isang patunay ang nagsasabi na habang lumalago ang kita ng isang Kristiyano ay lumiliit naman ang kanyang pagbibigay.

 

Papaano kung kaya ko naman at ikasisiya ko ito?  Maaring nating bilhin ang mga bagay na kaya natin pero hindi ito sapat na dahilan na bilhin natin ang lahat na kaya nating bilhin. Merong mga pangangailangan ang ating mga kapatid na dapat nating isaalang-alang.

 

2 Cor. 8:13 Hindi sa ibig kong guminhawa ang iba at mabigatan naman kayo. 14 Ang ibig ko ay matulungan ninyo ang isa’t isa. Masagana kayo ngayon; marapat lamang na tulungan ninyo ang mga nangangailangan. Kung kayo naman ang mangailangan at sila’y sumagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa gayon, magkakapantay-pantay ang kalagayan ninyo. 15 Tulad ng nasusulat, “Ang kumuha ng marami ay hindi lumabis, at ang kumuha ng kaunti ay hindi naman kinulang.”

 

“Ang pera ko ay isang pribadong bagay.”  Ang mga salitang ito ay lumalaban sa mga nanghihimasok tungkol sa bigay.

Ang isang mabuting katiwala ng Diyos ay nagsasabi na kinakailangan ko ng gabay kung papaano ako maging mabuting katiwala ng Diyos.  Dapat magsimula tayo sa Salita ng Diyos para mabago ang ating pananaw tungkol sa ating yaman.

 

Dahil sagutin natin ang tiwala ng Diyos pagdating ng araw, kinakailangan na magpasya na tayo ngayon kung ano ang dapat gawin sa pinagkatiwala sa atin.

 

Pangako at Matatag: (1 Cor. 16:2; 2 Cor. 9:5)

Malinaw sa mga talatang ito na kinakailangan ang pagbibigay at dapat maging matatag tayo sa ating pangako.

 

Matapos ang mataimtim na dalangin, maluwag sa ating kalooban kung magkano ang dapat nating ibigay para sa gawain ng Panginoon. Itabi ito para tugunan ang ating pangako.

 

Ang kahalagahan ng simulain:

Ang pangangailangan ng simbahan ay hindi nagbabago.  Para matugunan natin ito, ang mga namumuno ng simbahan ay dapat magplano para makita ng nagbibigay ang patutunguhan ng kanyang ibinibigay.

 

Ang kailangan para mabuo ang spiritual na buhay (2 Cor. 8:7)

 

Ang mga Kristiyano sa Corinto ay may spiritual na buhay pero nagkulang sila pagdating sa bigayan.

 

2 Cor. 8:7 Masagana kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa pagpapahayag, sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin. Sikapin ninyong maging masagana rin sa pagkakawanggawang ito.

 

Ang mga taga-Corinto ay naniniwala na spiritual sila kung minsan nananalangin sila, nagbabasa ng Bibliya, o naglilingkod kaht pa hindi sila nagbibigay.

 

Akala natin na iba ang pera ay makamundo at iba ang mga spiritual na bagay. Pero ang pera ay sagisag ng ating oras at pagod at ang Diyos ay nagsasabi kung papaano natin ginagamit ang pera ay nagsasabi ng ating spirituality.

 

Hasik at Ani (2 Cor. 9:6-11)

Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa. Tulad ng nasusulat, “Siya’y masaganang nagbibigay sa mga dukha; ang kanyang kabutihan ay walang hanggan.”

 

10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.

 

Ito ang sikreto ng buhay.  Kapag madamot tayo sa buhay at para sarili lamang, mawawalan tayo ng buhay. Pero kung  handa tayong ibigay ang pag-ibig para sa iba dahil sa pananalig kay Kristo, malalaman natin pasasaganain ng Diyos ang ating buhay higit pa sa ating naibigay. (Jn. 12:24-25; Mk.8:34-35)

 

Ang kasaganaan na bigay ng Diyos ay makakaya natin na magbigay para sa kanyang gawain ng higit pa.

 

10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob.

 

Ang magpapasigla sa atin ay kung makikita natin na binibiyayaan tayo ng Diyos kung maging tapat tayo sa pagbibigay na may mga biyaya na hindi natin inaasahan (Phil.4:18-19)

 

18 Ang liham na ito ang pagkilala sa lahat ng mga kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya. 19 At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

 

Ang kasiyahan na sa pamamagitan ng ating pagbibigay ay marami ang nakarating sa pananampalataya kay Kristo at mabago ang buhay.

 

The participants of the LCP Stewardship Seminar on March 14-15, 2019 at the Lutheran Center, Sta. Mesa, Manila.